3 kasapi ng terror group, sumuko sa Cavite

CAVITE, Philippines — Kusang loob na sumuko sa pulisya ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA) kamakalawa ng hapon sa bayan ng Maragondon, dito sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang 3 suspek na sina Mizpeh Sibay, 53-anyos, Emelita Selaras, 56-anyos at Rolando Domingo, 53-anyos, pawang residente ng Pinagsanjan B, Maragondon Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Captain Dennis A Labrador ng Cavite Provincial Mobile Force Company (PMFC), ala-1:30 ng hapon nang personal na magtungo sa kanilang himpilan ang tatlong miyembro ng CTG at kusang loob na sumuko bitbit ang isang improvised shotgun na itinurnover sa mga pulis.

Ang tatlong miyembro ng CTG-NPA ay sinasabing mga kasapi rin ng “Kamagsasaka” ng Brgy. Pinagsanjan B, Maragondon

Ayon sa tatlo, nagdesisyon silang kumalas na sa kanilang samahan dahil nais na nilang mamuhay ng normal.

Show comments