Jeep nawalan ng preno: Stude dedo, 20 pa sugatan

Lumilitaw sa pagsisiyasat na sakay ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Larry Uray, 59-anyos, ang estudyante kasama ang iba pang biktima nang mangyari ang aksidente.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos estudyante ang nasawi habang 20 na iba pa ang nasugatan nang mawalan umano ng preno at tumagilid sa kalsada ang isang pampasaherong jeepney sa palusong na daan sa Zamboanga del Norte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na sakay ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Larry Uray, 59-anyos, ang estudyante kasama ang iba pang biktima nang mangyari ang aksidente.

Tinatahak ng dyip ang pababang bahagi ng kalsada sa Brgy. Paniran sa bayan ng Sibuco nang mawalan ito ng preno at tumagilid.

Ayon kay Sibuco Police Station chief Police Corporal Arnold Luyapn, last trip na ang jeep at karamihan sa sakay ay mga estudyante at nakasakay sa top load.

“Pababa siya. Siguro overloaded kasi ang pa­sahero puro estudyante, apat lang doon ang hindi. Ang iba, base sa nakakita nasa top load, ang iba, nakakabit dahil last trip na ‘yun kaya puno na talaga ang jeep,” ani Luyapn.

Show comments