Cash aid ipamamahagi ‘door-to-door’ sa Nueva Ecija

Sa senior citizens na may sakit

NUEVA ECIJA, Philippines — Nakatakdang ipatupad sa Jaen, Nueva Ecija ang pamamahagi ng ayudang cash sa pamamagitan ng door-to-door o ihahatid mismo sa mga bedridden na senior citizens ng munisipalidad.

Ayon kay Jaen Vice Mayor Sylvester Austria, hindi na umano kailangang magpadala ng kinatawan na may “authorization letter” ang senior citizen na nasa banig ng karamdaman sa kanilang bayan dahil sa kanila na mismo ibibigay ang ayuda sa pangunguna ni Jaen Mayor Sylvia Austria.

Nabatid na ang bawat senior citizen sa bayan ng Jaen ay nakatatanggap ng P2,000 na hinahati sa tig-P1,000 sa bawat dalawang quarter o anim na buwan ngayong 2023.

Sa nakalipas na mga araw ay sunud-sunod ang pamamahagi ng naturang financial assistance sa bawat barangay kung saan natanggap ng mga senior citizens ang para sa 1st at 2nd quarter.

Show comments