LPG tank trader itinumba ng ‘kustomer’

LAGUNA, Philippines — Isang negosyante ang patay matapos barilin nang malapitan ng isang lalaki na nagpanggap na kustomer sa Brgy. Langgam, San Pedro City, ng lalawigang ito nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng San Pedro City Police ang napaslang na si Ruel Maico, LPG gas tank owner.

Lumalabas sa pagsisiyasat na habang ini­aabot ng biktima ang isang gas tank modulator, nang isang hindi kilalang customer na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang agad siyang binaril sa ulo.

Agad na bumulagta at nasawi ang biktima sa kanyang tindahan habang mabilis na tumakas ang suspek patungong Sitio Rustan sa Brgy. Langgam dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente habang nangangalap na rin sila ng CCTV footage sa crime site bago at matapos isagawa ang pagpatay upang matukoy ang gunman.

Wala pang nai-establisa ang pulisya na motibo sa pamamaril sa biktima.

Show comments