Korean resto sa mall sumabog:15 sugatan

MANILA, Philippines — Labinglima katao ang naiulat na nasugatan sa pagsabog ng isang Korean restaurant sa loob ng isang mall sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay PRO MIMAROPA chief PBGen. Joel Doria, kabilang sa mga sugatan ay apat na staff ng restaurant, isang delivery boy, at 10 iba pa.

Agad na dinala ang mga biktima sa Oriental Mindoro Provincial Hospital at Ma. Estrella General Hospital.

Nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa MR. WON Restaurant sa Xentro Mall, Calapan City, Oriental Mindoro.

Nawasak din sa pagsabog ang nasa 12 sasakyang nakaparada sa lugar. Bagama’t hinihinalang gas leak ang sanhi, wala pang opisyal na pahayag ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Nanatiling nakaantabay ang BFP dahil on going ang pag-clear out sa lugar habang ginagawa ang balitang ito. Ed Amoroso

Show comments