4-anyos hulog sa hukay ng covered court, tepok

inilala ang batang biktima na si Joh Peter Cobol, ng Anchorland-B Gawad Kalinga, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 4-taong gulang na batang lalaki na hinihinalang aksidenteng nahulog sa hukay na ginagawang covered court na puno ng tubig, kamakalawa ng hapon sa Trece Martires City.

Kinilala ang batang biktima na si Joh Peter Cobol, ng Anchorland-B Gawad Kalinga, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Sa imbestigasyon nina Police Sergeant Larz Salem Celestino at Corporal Noel Macaraeg, alas-4 ng hapon nang madiskubre ng kapitbahay na si Joenard Aquino ang nakalutang na katawan ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nakikipaglaro ang biktima sa isa pang bata sa nasabing covered court na under construction.

Malamang umanong hindi napansin ng bata ang hukay dahil sa puno ito ng tubig-ulan kaya posibleng napaapak dito at tuluyang malunod dahil sa lalim.

Naitakbo pa sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital nang maiahon ang biktima suba­lit hindi na naisalba pa ng mga doctor.

Show comments