^

Probinsiya

2-araw na operasyon sa Bulacan... Higit P200 milyong tsinelas nakumpiska, 5 Chinese huli

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang Chinese national ang nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos silang makumpiskahan ng may ?201 milyong halaga ng pekeng Crocs at Havaianas sa dalawang araw na operasyon sa lalawigan ng Bulacan.

Sa report na tinanggap ni CIDG Director PBGen. Romeo Caramat, Jr. , una nang nahuli sa aktong pagbebenta ng pekeng Crocs sandals sina Lin Chang Jiang, 33; Wu Gu Ding, 60; at Chu Jen Huang, 64, sa King Sport Property Compound, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan, nitong Lunes.

Nakuha sa kanila ang 1,311 sako na naglalaman ng 62,000 pares ng pekeng Crocs na nagkakahalaga ng ?180 milyon.

Sa kasunod na ­operation nitong Martes sa Warehouse No. 3, Duhat Road, Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan, arestado naman sina Shuzhen Wang, 27 at Zhengfeng Lin, 37 dahil sa pagbebenta ng mahigit ?1 milyong halaga ng pekeng Crocs.

Nakuha ng mga operatiba sa naturang warehouse ang ?20 mil­yon halaga ng pekeng Havaianas, Nike, at Adidas footwear.

Sa ngayon, tinutugis na ng CIDG ang supplier ng mga pekeng produkto bilang bahagi ng kanilang “Oplan Megashopper”.

Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa Sec. 155, 168 at 169 ng R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with