^

Probinsiya

Mister kinatay ng dayo na dumalaw lang sa ina

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tadtad ng saksak sa buong katawan ang isang mister makaraang pagsasaksakin ng isang dayo na nakaalitan nito, kamakalawa sa Brgy. San Lorenzo Ruiz 2, Dasmariñas City.

Patay na bago pa man naitakbo sa paga­mutan ang biktima na nakilalang si Jaime Dando Caldo, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lugar.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Rodolfo Taga Rivera, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa Blk. H1 Excess Lot, Brgy. San Lorenzo Ruiz 2, Dasmariñas City.

Nabatid na dumalaw lamang umano ang suspek sa ina nito sa nasabing lugar nang makasagutan nito ang biktima.

Nauwi umano sa ma­i­nitang pagtatalo ang ba­ngayan hanggang sa mapikon ang suspek at undayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Naitakbo pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with