^

Probinsiya

Ex-CAFGU sa CamSur niratrat, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LUPI, Camarines Sur , Philippines — Dead-on-the spot ang isang 21-anyos na dating kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Zone-2, Brgy. Buenasuerte, Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng pung­lo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktima na nakilalang si Jairoshae Borbe Carcido, binata, residente ng Brgy. Haluban ng naturang bayan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-8:30 ng gabi nakipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan sa bahay ng isang Abner Lanon.

Matapos ang laklakan, tumayo at nagpunta ang biktima sa kalapit na tindahan. Gayunman, habang nagla­lakad ay biglang sumulpot ang hindi nakilalang gunman at walang kaabug-abog na pinutukan ang biktima sa ulo.

Kahit nakabulagta na ay ilang ulit pang pinutukan ng suspek ang biktima bago tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis pero hindi na inabutan ang salarin. Nakuha nila sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

CAFGU

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with