^

Probinsiya

Motor salpok sa kotse: Rider patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider matapos na sumalpok ito sa papalikong kotse habang kapwa bumabagtas sa Molino-Paliparan Road, Brgy Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Mikias Orata Dumayag, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, sakay ang biktima ng kaniyang Yamaha N-Max na for registration ang plaka at bumabagtas sa nasabing lugar nang makabanggaan nito si Irish Sotejo Oquindo na lulan ng Toyota Vios na may plakang NBT 3739 makaraang lumiko ang huli pakaliwa patungo ng Molino direction.

Nasakop umano ng Vios ang gitnang kalsada kung saan paparating ang biktima na hindi na nakapagpreno dahilan upang tuluy-tuloy itong sumalpok sa nasabing kotse ni Oquindo.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo sanhi upang ideklarang dead-on-arrival DCMC Hospital.

vuukle comment

TOYOTA VIOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with