^

Probinsiya

DENR sa Tampakan LGU: Blaan ancestral lands, ‘wag pakialaman

John Unson - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY, Philippines — Binalaan ng Department of Environment and Natural Resources ang mga opisyal sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato laban sa panghihimasok sa pamamalakad ng mga lupang ninuno ng mga Blaan kung walang pahintulot ng tribo.

Ang mga indigenous people sa lahat ng panig ng bansa ay may karapatang mamahala, mag-protekta ng ayon sa kanilang tradisyonal na pamamaraan, at gumamit para sa kanilang ikakaunlad ng mga likas na yaman mula sa kani-kanilang mga ancestral lands batay sa Indigenous People’s Rights Act, kilala din bilang Republic Act 8371.

Ang babala ay ipinahayag mismo ni Elmer Mercado, mataas na opisyal ng General Santos City Environment and Natural Resources Office, sa isang public hearing ng nakalipas na linggo sa lungsod hinggil sa nais ng ilang local officials na gawing environment protection forest ang mga kagubatang sakop ng mga ancestral lands ng mga Blaan sa Tampakan ng walang pagsang-ayon ang buong tribo.

Kinumpirma nitong Linggo ni Domingo Collado, Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Sangguniang bayan ng Tampakan, na nanawagan si Mercado sa mga opisyal ng kanilang local go­vern­ment unit na huwag magpadalos-dalos sa kanilang balak na tiyak ikakagalit ng libo-libong mga botanteng Blaan sa naturang bayan.

Ayon sa mga balita ng iba’t ibang himpilan ng radio nitong Sabado, suportado ng mga tribong Blaan at T’boli sa iba’tibang bayan pa sa South Cotabato ang pagtutol ng mga residente ng Tampakan sa panukalang Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance na nakasalang na para sa deliberasyon ng kanilang konseho.

Ayon sa mga ulat, ang naturang panukala ay tinaguriang “anti-indigenous people” ng mga pinuno ng ibat-ibang mga grupo ng mga IP sa apat na probinsya ng Central Mindanao, ang South Cotabato, Sarangani, Cotabato at Sultan Kudarat, at sa mga karatig na probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Bangsamoro Region.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with