^

Probinsiya

Sarung Banggi Festival muling umarangkada sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Sto. Domingo, albay, Philippines — Makalipas ang tatlong taon dahil sa pandemya ay muling binuksan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sto.Domingo, Albay ang “Sarung Banggi Festival” noong Sabado.

Sa pangunguna ni Mayor Joseling Aguas Jr., Vice-Mayor Mark Aguas at mga kasapi ng sanguniang bayan ay muling binuksan ang in-person activity ng Sarung Banggi (isang gabi) Festival ng bayan bilang pagbibigay-pugay at pag-aalala sa sikat na composer ng Bicolano Song na Sarung Banggi na si Potenciano Gregorio. Sinimulan ang aktibidad ng isang misa na sinundan ng motorcade sa buong bayan at kinagabihan ay ang pormal na opening.

Ayon kay Mayor Aguas, laking pasasalamat nila dahil makalipas ang tatlong taon na ginawa lamang nilang virtual ang pagdiriwang dahil sa pandemya, kaya noong Sabado dahil sa kasabikan ng mga residente, bisita at mga turista ay dinumog ng tao ang poblacion ng bayan sa opening.

Sinimulan umano ng bayan ang pagdiriwang ng Sarung Banggi Festival noong 2004 sa panahon ng dating alkalde na ngayo’y Department of Tourism Bicol regional director Herbie Aguas bilang paggunita kay Potenciano Gregorio at pasasalamat na rin dahil nakilala ang Sto.Domingo sa Albay dahil sa sikat na Bicolano song hindi lang sa buong rehiyon, sa bansa kundi sa iba pang panig ng mundo.

Tatagal umano ang selebrasyon sa Mayo 31 na puno ng iba’t ibang aktibidad gaya ng night fishing, song writing contest, parade of light street dance, street dance competition, agri-expo bazaar, semi enduro endurance challenge, santa cruzan, gabi-gabing food and beer plaza at iba pa.

Kasama sa aktibidad ay ang gagawing wreathlaying sa Mayo 19 na kapanganakan mismo ni Gregorio na mas kilala sa bahan na “Lolo Puten”.

vuukle comment

FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with