^

Probinsiya

Drug lider utas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DAET, Camarines Norte, Philippines — Bulagta ang isang lider ng notor­yus na drug group matapos pumalag sa mga pulis sa isang buy-bust sa Pu­rok-6, Brgy. Calasga­san, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na si Rey Gutierez, residente ng naturang lugar, lider ng Gutierez drug group na itinutu­ring na high value individual at kasama sa regional drug watchlist.

Sa ulat ng Camp Gen.Simeon Ola, alas-9:30 ng gabi ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit, Regional at Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Provincial Mobile Force Company at Daet Police.

Nang magkaabutan na umano ng dro­ga ay mabilis na kumilos ang mga nakakubling operatiba at aktong aarestuhin si Gutierez, pero akma umanong bubunot ng baril kaya’t inunahan ito na agad niyang ikinasawi.

Nabawi sa suspek ang dalawang medium heat sealed plastic sachet na may lamang shabu na tumitimbang ng 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with