Mister pinatay ng selosong kapitbahay

Ang biktima na nag­tamo ng malalim na saksak sa dibdib ay kinilalang si Allan Dimaunahan, 40, samantalang naaresto naman at nakapiit na sa municipal jail ang suspek na si Christian Cabalquinto, 30.
STAR/ File

CANDELARIA, Quezon, Philippines - Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang magsasaka matapos saksakin ng isang factory worker dahil sa hinalang may relasyon ito sa kanyang misis, kamakalawa sa Purok. 3, Brgy. Malabanban Sur sa ba­yang ito.

Ang biktima na nag­tamo ng malalim na saksak sa dibdib ay kinilalang si Allan Dimaunahan, 40, samantalang naaresto naman at nakapiit na sa municipal jail ang suspek na si Christian Cabalquinto, 30.

Ayon sa imbestigas­yon nina PSsg.Manolito Vituriano at Junjun Villaflor, alas-10:30 ng gabi ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kalye patungo sa kanilang bahay nang harangin at pahintuin ng suspek.

Hindi pa man nakaka­baba sa motorsiklo upang komprontahin ang suspek ay sinalubong na ang biktima ng saksak sa dibdib na agad nitong ikina­handusay.

Tumakas ang suspek, subalit nadakip ng mga otoridad sa follow-up ope­ration at doon ay ikinanta na selos ang naging motibo nito sa pamamaslang sa biktima na kanyang pinaghihinalaang may relasyon sa kanyang misis.

Show comments