^

Probinsiya

Moro versus Moro: 4 patay, 4 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Apat ang patay habang apat din ang nagtamo ng mga tama ng bala sa magkahiwalay na engkwentro ng mga grupong Moro Islamic Liberation Front sa dala­wang bayan ng Maguindanao del Sur nitong Miyerkules.

Unang nasawi si Baguer Laguiam na naipit sa bakbakan ng mga magkaaway na grupong pinamumunuan ng mga MILF commanders na sina Uti at Blacky sa Brgy. Bakat sa Radjah Buayan.

Ayon sa Maguindanao Provincial Police Office, dalawang inosenteng mga residente pa ng Radjah Buayan ang tinamaan ng mga ligaw na bala na agad namang naisugod sa isang pagamutan.

Matagal ng may hindi pagkakaunawaan sina Uti at Blacky at ilang beses na ring nagbarilan ang kanilang mga grupo na labis na nakaapekto sa mga residente ng Radjah Buayan sa Maguindanao del Sur.

Tatlong kalalakihan naman ang nasawi sa palitan ng putok ng dalawang grupo ng mga kasapi ng MILF sa Brgy. Kapinpilan sa bayan ng Ampatuan na sakop din ng Maguindanao del Sur.

Ayon kay Capt. Gui­seppe Tamayo, hepe ng Ampatuan municipal police, sangkot sa naturang kaguluhan ang mga armadong mga kasapi ng mga 105th at 118th Base Command ng MILF.

Ayon kay Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, kumilos na ang kanilang mga unit sa Maguindanao del Sur upang mapigilan ang pagkalat ng mga kaguluhan sa Bakat at sa Kapinpilan sa mga karatig na mga barangay.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with