^

Probinsiya

2 persons of interest sinisilip sa pagpatay sa hepe ng Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 persons of interest sinisilip sa pagpatay sa hepe ng Bulacan
“Sa ngayon dalawa po ‘yung persons of interest na sinusubaybayan ng kapulisan natin,” pahayag ni PMaj. Norheda Usman, public information officer ng Bulacan Provincial Police Office.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang persons of interest sa pagpatay sa hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang sinisilip ng mga otoridad.

“Sa ngayon dalawa po ‘yung persons of interest na sinusubaybayan ng kapulisan natin,” pahayag ni PMaj. Norheda Usman, public information officer ng Bulacan Provincial Police Office.

Sinabi ni Usman na ­ipinalabas ang cartographic sketch ng suspek sa pagpatay kay San Miguel Municipal Police Station chief PLt. Col. Marlon Serna at ipinakalat na rin sa social media, bagama’t hindi pa ito beripikado.

Magugunita na si Serna ay sumama sa pursuit operation gamit ang sariling sasakyan matapos makatanggap ang kanyang opisina ng ulat ng pagnanakaw sa Barangay San Juan sa bayan ng San Miguel.alas-9:30 ng gabi noong Sabado.

Bandang alas-10:30 ng gabi, nakaengkwentro nila ang mga suspek na pinagbabaril sila nang subukan silang hulihin na kung saan ay tinamaan sa ulo si Serna na agad dinala sa Emmanuel Hospital subalit binawian din ng buhay.

Inanunsyo niya ang pabuyang P1.7 milyon sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga suspek.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with