^

Probinsiya

Dayo sa Zamboanga, huli sa P1.4 milyong drug bust

Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis kagabi sa Barangay San Roque, Zamboanga City ang P1.4 milyong halaga ng shabu sa isang dealer na mula pa sa probinsya ng Zamboanga Sibugay, ayon sa pulisya kahapon.

Nasa kustodya na ng Zamboanga City Police Office ang suspect, si Nasser Hapil, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isang pahayag, sinabi ng Zamboanga City Police na si Hapil ay taga Zamboanga Sibugay province.

Matagal nang binabantayan ng Zamboanga City Police force si Hapil dahil sa malakihang pagbebenta nito ng shabu sa ilang barangay sa Zamboanga City.

Nagpapatuloy pa ang pagsisikap ng pulisya na makilala sa mga kasabwat nitong mga taga-Zamboanga City.

Agad na inaresto ang suspect kasunod ng pagkakabenta nito ng 200 gramo ng shabu, na aabot sa P1.4 milyong ang halaga, sa mga hindi unipormadong kasapi ng Zamboanga City Police Office at Police Regional Office 9.

vuukle comment

HAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with