^

Probinsiya

Lover ni misis, todas sa mister na pulis!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lover ni misis, todas sa mister na pulis!
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktima na kinila­lang si Arlando Minsalan Sugay, 51-anyos, balo, at residente ng naturang lugar.
STAR/File

CABUSAO, Camarines Sur, Philippines — Patay ang isang loverboy na 51-anyos matapos barilin ng pulis nang maaktuhan mismo nito na nasa ibabaw ng kanyang misis sa loob ng kubo ng biktima sa Brgy. Camagong, Cabusao, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktima na kinila­lang si Arlando Minsalan Sugay, 51-anyos, balo, at residente ng naturang lugar.

Sa kabila ng galit, hindi naman sinaktan ng pulis ang 42-anyos na misis nito.

Sa pakiusap ng suspek at misis para sa proteksyon ng kanilang mga anak, hindi pa tinukoy ng pulisya ang kanilang pagkakakilanlan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong ala-1:54 ng madaling araw, dahil sa malaking pagdududa na may ginagawang kababalaghan ang misis ay pinuntahan ng 43-anyos na pulis na nakatalaga sa Ragay Municipal Police Station ang mismong bahay ng sinasabing lover ng ginang.

Nagulat ang pulis nang pasukin ang kubo ni Sugay at makitang nasa ibabaw mismo ng kanyang asawa ang kaluguyong magsasaka.

Dahil sa matinding galit, binunot ng mister na pulis ang kanyang baril at pinutukan ang lover ng kanyang maybahay na agarang nasawi sa lugar.

Makaraan ang pamamaril, sumuko mismo ang suspek na pulis sa kanyang mga kabaro sa Cabusao Municipal Police Station. Isinuko niya rin ang service firearm na ginamit sa pamamaril, tatlong magazine at 35 piraso ng bala.

vuukle comment

CRIME

DEAD

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with