Criminology student dedo sa sagasa ng bus

MANILA, Philippines — Patay ang isang criminology student matapos masagasaan ng pampa­saherong bus sa Ragay, Camarines Sur kamakalawa  ng gabi.

Dead-on-the-spot  ang biktima na kinilalang si Arabel Cuenca, nasa hustong gulang, residente ng Tagcawayan, Quezon.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nangyari ang aksidente dakong alas-6 ng gabi sa Andaya Highway, Brgy. Agrupacion ng nasabing bayan.

Angkas umano si Cuenca sa motorsiklo nang malubak sa butas sa highway at mahulog. Dito na nagulungan si Cuenca ng kasunod na pampasaherong bus. 

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng bus.

Show comments