Kelot dinakip sa P6.8 milyong shabu

MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na lalaki ang inaresto ng mga otoridad matapos makumpiska sa kanya ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang parking lot ng kilalang hamburger chain sa Molino Blvd., Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Darryl Pilapil Julhasan, binata, residente ng Bacoor City ng nasabing lalawigan.
Sa ulat, alas-7:15 ng gabi nang masabat ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang suspek sa parking lot sa may Molino Blvd., Brgy.Talaba 4 at bitibit ang isang sako na bag na naglalaman ng shabu na may timbang na 1 kilo at aabot sa P 6.8 milyon.
Ayon sa suspek, napag-utusan lamang umano siya na dalhin ang nasabing bagahe sa parking lot at dito ibibigay sa kakatagpuing kausap kapalit ng halagang P5,000 na hindi pinaniwalaan ng mga pulis.
- Latest