^

Probinsiya

3 drug trafficker huli sa P1.7 milyong shabu, 1 kilong marijuana

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ope­ratiba ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong pinaghihinalaang drug traffickers kabilang ang dalawang high value target (HVT) matapos masamsaman ng may P1.7-milyong halaga ng shabu at isang kilong marijuana sa isinagawang serye ng buy-bust operation nitong Biyernes ng gabi sa lalawigan ng Cebu.

Sa report ni P/Brig. Gen. Jerry Bearis, director ng Police Regional Office (PRO) 7, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Biyernes nang unang magsagawa ng anti-drug operation ang kanilang mga operatiba sa Purok 1, Brgy. Sto Niño, Toledo City.

Arestado sa operasyon ang pinaghihinalaang drug trafficker na si Edgar Mahinay Ypon, 45-anyos, isang HVT at nakumpis­ka sa kanyang pag-iingat  ang 142 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P965,000.

Bandang alas-9:25 naman ng gabi nang sumunod na maaresto si John Paul Carmelotes Labiste alyas “Bogz”, 27, sa operation sa Brgy. Guadalupe, Cebu City. Nakuha sa suspek ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng high–grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000 habang nakuha sa loob ng backpack nito ang P700 cash na hinihinalang pinagbentahan nito ilegal na droga.

Samantala, nasakote rin ang isa panmg HVT na si Alfonso Gultiano Luna alyas “Alko”, 33, sa operasyon sa Brgy. Guadalupe ng nasabi ring lungsod bandang alas-10:44 ng gabi. Nakumpiskahan siya ng 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P748,000.

“Underscoring PRO7’s performance in the campaign against illegal drugs in Central Visayas, our message has been consistently clear --drug players, and dealers are not welcome here,” pahayag Bearis.

vuukle comment

DRUG TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with