^

Probinsiya

DSWD namahagi ng ayuda sa mga binaha sa Zamboanga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng pagbaha dulot ng low pressure area sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Mismong si DSWD Officer-in-Charge Undersecretary Edu Punay ang personal na namahagi ng food at non-food items pati na ang financial assistance sa mga apektadong residente.

Nasa 2,000 na family food packs, 500 hygiene kits at 500 sleeping kits ang ipinamudmod sa mga residente sa pamamagitan ng local government unit ng Sibuco.

Nasa 153 pamilya naman na nasiraan ng bahay ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na P10,000 habang 180 pamilya na partially damaged ang mga bahay ay nakatanggap ng P5,000 cash assistance.

Nabatid na galing ang ginamit na pondo mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Nilagdaan din ni Punay ang Memorandum of Agreement kasama si Sibuco Mayor Joel Ventura para sa prepositioning ng relief goods sa lugar bilang bahagi ng LGU’s disaster preparedness measures.

Samantala, nasa 412 flood victims mula Zamboanga City ang nakatanggap ng P5,000 na ayuda.

Nitong Enero 25, nasa P66.8 milyong halaga na ng ayuda ang naipamahagi ng DSWD sa mga residenteng apektado ng LPA sa Mindanao at ng northeast monsoon sa Luzon at Visayas.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with