Kelot timbog sa P13.9 milyong ‘shabu’

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos na makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P13.9 milyon sa isinagawang joint buy-bust operations kamakalawa ng gabi sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Marlon Navarro Palmario, tubong Tondo, Manila at residente ng Pangarap Village, Novaliches, Caloocan.

Ayon kay Arnedo, nagkasa ng operasyon ang Marilao police kasama ang PIU-Bulacan, SOU3-PDEG at PDEA 3 dakong alas-11:20 ng gabi nitong Enero 25, sa Brgy. Loma De Gato.

Nabatid na nagawang makabili ng isang medium size knot tied transparent plastic sachet ng shabu ang poseur buyer mula sa suspek.

Nakumpiska pa sa target ang dalawang pakete ng high grade shabu na nakapaloob sa Chinese tea bag, buy-bust item na tumimbang ng kabuuang 2,050. Grams at 67 piraso ng P1,000 denomination na buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 Art.II ng RA 9165.

Show comments