^

Probinsiya

Lola, 2 pa arestado sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON CITY, Sorsogon, Philippines — Kalaboso ang isang 70-anyos na lola at dalawang kasamang babae matapos maaresto sa isang buy bust operation sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy. Pangpang, ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Fely Villarino Espada, negosyante; Jorgelyn Selsado Patanao, 43-anyos, kapwa residente ng Brgy.Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan; at Katherine Jones Juridico Noriega, 32-anyos, residente ng Brgy.Tonsoya, Malabon City.

Sa ulat, dumayo ang mga suspek sa Sorsogon City upang magbenta ng droga matapos na makontak at makatransaksyon nila ang isang asset at poseur buyer ng mga pulis.

Dakong alas-6:45 ng gabi ay inilatag ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit at Sorsogon City Police ang buy-bust laban sa tatlo na agad inaresto matapos iabot ang biniling isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,120.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with