^

Probinsiya

541 libong mahihirap na pamilya sa Kabikulan, aayudahan ng DSWD

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
541 libong mahihirap na pamilya sa Kabikulan, aayudahan ng DSWD
Sa ginawang regional launching ng DSWD “Lista­hanan 3” sa isang hotel sa lungsod na ito kahapon, inihayag ni DSWD-Bicol regional director Norman Laureo, na higit kalahating milyong Bikulanong pamilya pa ang maituturing na poorest of the poor. Ito ay base sa nakalap na datos ng Listahanan 3 sa ginawang paglilibot at interview ng kanyang mga tauhan sa may 1,116,476 na naghihirap na residente sa iba’t ibang lugar sa buong rehiyon.
Walter Bollozos, file

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot pa sa 541,137 pamil­ya ang kinokonsiderang naghihirap o kabilang sa poor households sa Kabikulan ang nakatakdang tulungan at tutukan ng mga programa ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ginawang regional launching ng DSWD “Lista­hanan 3” sa isang hotel sa lungsod na ito kahapon, inihayag ni DSWD-Bicol regional director Norman Laureo, na higit kalahating milyong Bikulanong pamilya pa ang maituturing na poorest of the poor. Ito ay base sa nakalap na datos ng Listahanan 3 sa ginawang paglilibot at interview ng kanyang mga tauhan sa may 1,116,476 na naghihirap na residente sa iba’t ibang lugar sa buong rehiyon.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang ng poor households na may 184,667; sinundan ng Albay na may 102,009; Masbate, 96,499; Sorsogon, 79,604; Camarines Norte, 61,542. Ang lalawigan naman ng Catanduanes ang may pinakamaliit na bilang ng mga may pinakamahihirap na pamilya na nasa 16,816 lamang.

Nasa 84.4 porsyento sa mga naghihirap na pamilya ay nakatira sa mga rural area o malalayong lugar habang ang natitirang 15.4 porsyento ay nasa urban area o mga sentrong lugar.

Sa naturang bilang, 88,675 pamilya ay walang direktang access sa serbisyo ng kuryente habang mahigit 74-libo ay gumagamit ng gasera para magkaroon ng ilaw sa kanilang tahanan. Marami rin sa kanila ang walang access sa malinis na inuming tubig.

Siniguro ni Laureo na ang mga pamilyang ito ang tututukan ng kanilang kagawaran na matulungang makabangon sa kahirapan sa pamamagitan ng mga sustainable program ng pamahalaan, social protection, insurance, PhilHealth, Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at iba pa gaya ng livelihood programs.

Libu-libo ng Bikulano ang grumadweyt nitong nakalipas na mga taon dahil sa tulong ng pamahalaan kung saan may mga nakapagtapos ng anak, nagkaroon ng magandang trabaho, negosyo at gumanda ang buhay.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with