^

Probinsiya

10 ilegal na gumagawa, nagbebenta ng paputok sa Bulacan natimbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
10 ilegal na gumagawa, nagbebenta ng paputok sa Bulacan natimbog
Ayon kay PNP-FEO acting chief Police Colonel Paul Kenneth Lucas ang pag-aresto sa mga illegal manufacturers ay bunsod na rin sa kautusan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na imonitor ang mga establisimyento na lu­malabag sa batas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng Philippine National Police (PNP)-Firearms and Explosives Office (FEO) ang nasa 10 illegal manufactu­rers, dealers at retai­lers ng mga paputok sa Bulacan.

Ayon kay PNP-FEO acting chief Police Colonel Paul Kenneth Lucas ang pag-aresto sa mga illegal manufacturers ay bunsod na rin sa kautusan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na imonitor ang mga establisimyento na lu­malabag sa batas.

“May mga nahuli sa Bulacan, meron ‘yatang 10 doon na nahuli at na-file-an ng kaso,” ani Lucas.

Sinabi ni Lucas na batay sa impormasyon ng PNP, ipinagbabawal ang mga paputok na overweight o hindi hihigit sa 0.2 gram o hanggang 1/3 ng  teaspoon; oversized na  super lolo, giant whistle bomb; fuse na hanggang  anim na segundo; imported na paputok; mixture ng phosphorus o sulfur na may  chlorate.

Nilinaw ng PNP na ang mga komunidad ay dapat na maglaan ng lugar kung saan maaa­ring magpaputok.

Ang mga paputok na pinapayagan o maaaring gamitin bilang fireworks display ay kinabibilangan ng baby rocket, bawang, El Diablo, Judas’ belt, paper caps, pulling of strings, kwitis at “triangulo” habang maaari naman sa residential areas ang mga paputok na butterfly; fountain; jumbo regular; luces; mabuhay; roman candle; sparklers; trompillo at whistle.

Nilinaw naman ni PNP Spokesman Col. Jean Fajardo na walang ipinatutupad na “ban” laban sa mga manufacturers at retailers ng firecrackers at pyrotechnics.

Kailangan lamang aniya na ilagay ng mga nagbebenta sa itinala­gang lugar ang kanilang mga ibinebentang paputok.

Alinsunod sa Republic Act No. 7183, pagmumultahin ang lalabag ng nasabing batas ng hanggang P30,000 at kulong na hanggang 1 taon.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with