^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa 63-anyos na binalot sa blanket, natimbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Naaresto nang pulisya ang panguna­hing suspek sa pagpatay sa isang 63-anyos na babae na natagpuang nakabalot sa blanket at naaagnas na sa madamong bahagi ng likod bahay ng suspek sa Pagbilao, Que­zon, ka­hapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang suspek na si Jerry Abad, 44, ay hindi na nanlaban nang siya dakpin ng mga pulis sa ikinasang hot pursuit operation a kanyang pinagtataguang bahay sa Sitio Logpond,Barangay Binahan, 2 kilometro ang layo mula sa crime site dakong alas-10 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Major Lawrence Panganiban,  director ng Pagbilao Provin­cial Police na ina­min na sa harap ng isang abo­gado ni Abad ang gi­na­wang pagpatay sa biktimang si Nilda Villegas.

Nakatakdang sampahan bukas, Lunes, ng kasong murder si Abad sa Lucena provincial prosecutor’s office. Siya ay kasalukuyang nakapiit sa lock-up jail ng Pagbilao Police Station.

Magugunita na natagpuan ang naagnas nang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng likod bahay ng suspek na natatakpan pa ng dahon ng niyog.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may relasyon umano ang biktima at suspek at huling nakitang buhay ang biktima noong Nob­yembre 25, 2022 nang magtungo siya sa bahay ng huli para makipamiyesta. Mulan noon ay hindi na siya nakabalik ng kanyang bahay.

Sinabi ng pulisya na selos ang motibo sa pagpatay sa matandang biktima.

JERRY ABAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with