^

Probinsiya

Trader huli sa mga baril at bala

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Isang negosyante ang inaresto matapos masamsaman ng iba’t ibang klase ng baril, bala at droga sa search operation sa kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso.

Sa ulat na nakarating kay Col. Jay Cumacad, Deputy Regional Director for operations, nagsagawa ang raiding team na armado ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 80-Malolos City at dito ay naaresto ang suspek na si Rico Iraba­gon, ng  Barangay An­ya­­tam na may poultry bu­siness.

Nakumpiska kay Ira­ba­­­gon ang iba’t ibang mga baril at bala, hand gre­­nade fragmentation at isang medium-sized plastic na naglalaman ng 12 sachets ng suspected shabu.

Nabatid na ang suspek ay miyembro umano ng cri­minal group na “Loren­zana CG” na sangkot sa gun-for-hire, gun-running, robbery, smuggling at illegal drug activities.

DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with