^

Probinsiya

2 babae itinumba sa ‘love triangle’

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 babae itinumba sa âlove triangleâ
Ang nakabulagtang sina Jessica Prado Tambado at Lanilyn Caya matapos pasukin at pagbabarilin ng tatlong lalaki sa kanilang boarding house sa Sitio Laluses, Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon, nitong Martes ng gabi.
Tiaong Police

2 gunmen, driver huli sa hot pursuit ops

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang babae matapos silang pagbabarilin ng dalawang salarin sa loob ng kanilang boarding house sa Sitio Laluses, Bara­ngay Talisay, Tiaong, Que­zon, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Marlon Cabata–a, hepe ng Tiaong Police, ang mga biktima na sina Jessica Prado Tambado, 28 at kasama nitong si Lanilyn Sanchez Caya, 26 ay nasa loob ng inuupahang bahay nang dumating ang dalawang armadong lalaki at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril sila ng ilang beses sa bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Tumakas ang mga armadong suspek sakay ng puting Sedan patungo sa San Pablo City, Laguna matapos ang pag-atake.

Agad na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga posibleng saksi sa lugar ng krimen at sinuri ang mga kuha ng CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at ang kanilang ruta sa paglabas.

“Natukoy namin ang get-away car ng mga suspek, isang puting Toyo­ta Altis na may plakang XKY 347 sa tulong ng mga testigo at pagrepaso sa CCTV footages,” sabi ni Cabata–a.

Sa hot pursuit ope­ration, arestado sa Barangay Kaybagal North, Tagaytay City, Cavite ang mga suspek na sina Danny Cordero De Guzman, 39, driver ng kotse at mga umano’y gunmen na sina Randy Andal Malabanan, 44 at Totie Gar­cia Laigo, 64, kapwa residente ng Tiaong, Que­zon.

Nakuha mula sa mga suspek ang Glock 40 pistol, colt gold model caliber .45 at get-away car.

“Love triangle at selos ang kabilang sa motibo ng pagpatay,” ani Cabata–a.

Ibinunyag umano ng mga kaanak ni Caya na may bawal siyang relasyon sa isang negos­yanteng kinilalang si Totie Laigo na nakatira sa Tagaytay City.

“Nagselos si Laigo nang malaman niyang may kasamang ibang lalaki si Caya at nalaman din na milyun-milyong pera at ipinagkatiwalang ari-arian ang ginastos ni Laigo kay Caya,” dagdag ni Cabata–a.

BABAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with