^

Probinsiya

Misis gustong makipaghiwalay, kinatay ni mister! 

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Suspek nagsaksak din sa sarili

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang na gusto nang ma­ki­paghiwalay sa asawa matapos pagsasaksakin ng selosong mister nito na nagsaksak din sa sa­rili nitong Sabado sa Zam­boanga City.

Dead-on-arrival sa os­pital si Susane Hasil Leo­nardo, 38, habang na­ka-hospital arrest naman ang suspek na mister nito na si Ruel Leo­nardo, 42; kapwa residente sa nasabing lungsod.

Batay sa report ng Zamboanga Police, naganap ang krimen sa labas ng pinagtatrabahu­hang establisimyento ng biktima sa Veterans Avenue sa Zamboanga City. 

Lumilitaw na nakiki­pag­hiwalay na ang bikti­ma sa suspek dahil sa pagi­ging sobrang seloso nito. 

Gayunman, hindi ito ma­tanggap ng sus­pek ka­ya nag­pla­nong a­bangan sa labas ng pinagta­trabahuhan ang biktima 

Paglabas ng biktima, dito na inundayan ng sak­sak ng kanyang mister sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang makitang naliligo sa sariling dugo ang misis, nagsaksak naman sa sarili ang suspek pero hindi napuruhan.

Nahaharap ngayon sa kasong par­ricide ang suspek.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with