^

Probinsiya

2 rider dedo sa 16-wheeler truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

RAGAY, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang rider matapos bu­mang­ga ang kanilang si­­nasakyang motorsik­lo sa kasalubong na 16-wheeler na trailer truck sa kahabaan ng An­daya National Highway sa Brgy. Binahan Pro­­per ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Ragay District Hospital pero parehong nasawi habang nilalapatan ng lunas ang mga bik­tima na sina Rommel Tolentino Dela Cruz, 22-anyos, at Jerick Valdez Pula, 25-anyos, kapwa construction worker at residente ng Brgy.Bi­nahan Upper, Ragay, Camarines Sur.

Arestado naman ang truck driver na si Ryan Lizardo Jovillano, 40-anyos, residente ng Brgy.Antipolo, Minalabac.

Sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon, mabilis na binabagtas ng Racal motorcycle ng magkaangkas na mga biktima ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol at kinain ang linya ng kasalubong na trailer truck (MBE-5131). Huli na para iwa­san sila ng trak dahilan para mabangga.

Kapwa duguan at wa­lang malay na isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero na­ma­tay din dahil sa matin­ding pinsala at sugat na tinamo sa katawan.  

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with