^

Probinsiya

Mobile police car, pinaulanan ng bala

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nagkabutas-butas ang isang mobile car ng pulisya at masuwerteng hindi tinamaan ng bala ang mga pulis na sakay nito makaraang paulanan ng bala habang nagpapatrolya sa kahabaan ng Talaba 4, lungsod ng Bacoor, kahapon ng umaga.

Ligtas at hindi nasugatan ang mga pulis na sakay ng mobile patrol car na nakilalang sina Patrolam Jopeth Kym Jap at Patrolman John Carlo Gigantoca, kapwa nakatalaga sa Sector 1 Mobile Alpha 3-Bacoor Police.

Sa imbestigasyon, alas-6 ng umaga habang nagsasagawa ng police visibility patrolling ang mga pulis sa kahabaan ng St. Dominic, Talaba 4, nang isang Toyota Wigo (DAY 1667) na may sakay na apat na kalalakihan ang tumapat sa mobile car ng mga  biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril saka mabilis na sumibat patakas.

Mabuti na lamang at walang tinamaan sa mga sakay ng mobile.

Agad na nag-alarma ang mga pulis at nakapag-radyo upang humingi ng back up. Mabilis na nagsagawa ng dragnet operation ang Cavite Police kung saan natagpuan ang sasakyang ginamit ng mga suspek na nakaabandona sa Brgy. Talaba 1 ng lungsod ring ito subalit wala nang sakay.

JOHN CARLO GIGANTOCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with