^

Probinsiya

Pagawaan ng paputok sumabog: 5 patay, 7 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagawaan ng paputok sumabog: 5 patay, 7 sugatan
Sinisiyasat ng mga pulis ang pagawaan ng paputok na sumabog at nasunog na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng pitong iba pa sa Calamba City, Laguna kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Lima katao ang kumpirmadong patay kabilang ang isang senior citizen habang pito pa ang sugatan nang sumabog ang isang bahay na ginawang pagawaan ng mga firecrackers o paputok at sumiklab ang malaking sunog kahapon ng umaga sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ni  P/Col. Condrado Masongsong, hepe ng Calamba City Public Order and Safety Officer (POSO), apat sa mga nasawi ang unang kinilala na sina Leticia Coral, 83; James Darwin Coral, 22;  Ryan James Gutierrez, 18 at Kenneth Buebo, 24 habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga suga­tan na sina Judd Nelson Corral, Genaro Valentino, Isagani Batalla, Joel Escoton, Joseph Alcantara at dalawang iba pa.

Ayon kay Brgy. Canlubang Chairman Larry Dimayuga, naganap ang pagsabog dakong alas-10 ng umaga sa GK Village, Sitio Majada Loob, Canlubang ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nanggaling ang pagsabog sa kusina ng bahay hanggang sa sumiklab ang apoy at nakulong ang lima na mga biktima na kanilang ikinasawi.

Limang kabahayan din ang sinasabing na­damay sa sunog.

Sinasabing iligal na gumagawa ng mga paputok para sa Pasko at Bagong Taon ang bahay ng mga biktima.

Patuloy na nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with