^

Probinsiya

Drug suspect utas, pulis sugatan sa shootout

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Bulagta ang isang drug suspect habang sugatan ang isang pulis at dalawa pa ang naaresto matapos na mauwi sa engkuwentro ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Pedro City kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Ben Aclan, hepe ng San Pedro City Police Station, si Rommel Sagun, alias “Ulo” na miyembro umano ng drug syndicate ay nasawi habang dinadala sa pinakamalapit na ospital.

Ang sugatang pulis na si Patrolman James Moreno, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng San Pedro Police Station ay isinugod rin sa ospital matapos mabaril sa kanang kamay.

Ang mga kasamahan ni Sagun na sina Mark Rigor Calo-Oy alias ”Kapre” at Roxy Solidad ay naaresto sa operasyon.

Nauna sa barilan, sinabi ni Aclan na sina Calo-Oy at Solidad ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng Intelligence Unit at DEU sa drug operation sa may Sitio Rustan sa Barangay Langgam, San Pedro City, kahapon ng alas-12:50 ng madaling araw.

Habang nagsasa­gawa ng imbentaryo sa mga nakumpsikang mga droga, biglang dumating umano si Sagun mula sa damuhang bahagi ng lugar at sumigaw saka pinaulanan ng bala ang mga pulis dahilan ng shootout na ikinasawi ng nasabing suspek.

vuukle comment

BEN ACLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with