^

Probinsiya

Pulis, patay sa sariling boga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pulis ang patay matapos na aksidenteng mabaril ang sarili sa Santiago City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital si P/Master Sgt. Henry Areola Esteban, 46, may-asawa, residente ng San Andres, Santiago City at nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office (SCPO).

Ayon sa Station 1 ng SCPO, nagtungo sa kanilang bakuran malapit sa tabing ilog ang pulis dala ang service firearm nito para mag-firing dakong alas-10 ng umaga. Gayunman, nadulas siya at nakalabit ang gatilyo ng baril kaya tinamaan sa ulo.

Nadala pa ng rescue team at kanyang pamilya si Esteban sa ospital subalit hindi na naisalba pa. Narekober sa lugar ang isang cal. 9mm pistol Glock 17 at isang empty shell.

HENRY AREOLA ESTEBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with