^

Probinsiya

1-anyos patay sa baril ng tatay na pulis

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
1-anyos patay sa baril ng tatay na pulis
Ayon sa San Jose City Police, alas-8:30 ng gabi nang itawag sa kanila ng San Jose City General Hospital ang pagkamatay ng pasyente nilang isang taong gulang na lalaking paslit na nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib nito mula sa pagputok ng nahulog na baril ng amang pulis.
STAR/File

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Tila binagsakan ng langit at lupa ang isang kagawad ng pulisya makaraang mamatay ang kanyang 1-taong gulang na anak na lalaki makaraang tamaan ng bala mula sa nahulog at pumutok na service firearm nito, sa labas ng kanilang bahay sa Zone 5 ng Barangay Palestina, noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa San Jose City Police, alas-8:30 ng gabi nang itawag sa kanila ng San Jose City General Hospital ang pagkamatay ng pasyente nilang isang taong gulang na lalaking paslit na nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib nito mula sa pagputok ng nahulog na baril ng amang pulis.

Dahil dito, agad na nagtungo sa pagamutan ang pulisya at natukoy ang suspek na si Patrolman Crisdie Besarra Manuel, 33, may-asawa, miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na nakabase sa lungsod na ito.

Noon din ay boluntar­yong sumuko si Manuel bitbit ang kanyang service firearm na caliber 9mm Taurus na may Serial No. TLT94778.

Sa imbestigasyon, alas-6 ng gabi, galing sa duty ay dumating sa compound ng tinutuluyang bahay si Manuel ngunit naharang at nayaya umanong uminom ng alak ng kapitbahay nito na nagseselebra ng kanyang birthday.

Pinaunlakan umano ni Manuel ang imbitasyon ng kapitbahay at uminom ng isang bote ng alak at nagpaalam na rin upang umuwi sa kanilang bahay.

Pagbaba umano ng nasabing pulis sa kanyang motorsiklo ay biglang nalaglag ang kanyang service firearm at pumutok. Tiyempo naman umanong nandoon ang bata at aksidenteng tinamaan ng bala sa kanyang dibdib na ikinamatay nito.

Gayunpaman, kahit na aksidente ang nangyari ay nahaharap pa rin sa kasong homicide ang suspek upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak nito, ayon kay P/Col. Richard Caballero, officer-in-charge ng NEPPO.

BARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with