^

Probinsiya

Kuya binoga ni utol, todas!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng kanyang nakababatang kapatid habang naglalakad patungo sa kanyang bahay sa Sitio Labrahan, Barangay Don Juan Vercelos sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa tiyan at likurang bahagi ng balakang ay nakilalang si Michael Yare, 39-anyos, habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Melencio Yare, 37, binata ng Sitio Awas, Barangay Casay.

Ayon sa pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi ay naglalakad patungo sa kanyang bahay ang biktima kasama ang anak na si John Paul nang harangin sa daan ng suspek.

Bumunot umano ng maiksing baril ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang nakatatandang kapatid sa harap ng anak nito.

Nang matiyak na patay na ang kuya, mabilis na tumakas ang suspek at iniwang umiiyak ang pamangkin.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pamamaslang ng suspek sa kanyang kapatid kasabay ng pagsasampa dito ng kasong murder.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with