^

Probinsiya

Lolo nag-birthday sa tabing-ilog, nalunod

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lolo nag-birthday sa tabing-ilog, nalunod
Kinilala ang biktima na si Arthur Panes, 65, residente ng Brgy. Tinucalan, Tanay, Rizal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lolo ang nasawi nang malunod matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig, habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan sa tabing-ilog ng Tanay, Rizal, sa kasagsagan ng pananalasa ng super bagyong Karding noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arthur Panes, 65, residente ng Brgy. Tinucalan, Tanay, Rizal.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police, dakong alas-8:30 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa Lanatin River sa Barangay Cayabu, Tanay.

Nauna rito, alas-8:00 ng gabi ng Setyembre 25, habang kasagsagan ng pananalasa ng super bagyong Karding ay masayang nag-iinuman ang biktima at mga kaibigan sa tabing ilog sa Brgy. Tinucalan, upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Gayunman, nang malasing ay naisipan umano ng biktima na magtungo sa ilog, na noon ay malakas na ang agos dahil sa bagyo, at nabigo nang makabalik.

Kaagad inireport ng mga kainuman ng biktima ang pagkawala nito sa mga opisyal ng barangay ngunit bangkay na ang matanda nang matagpuan ng mga testigong sina Charlie Cierto at Kagawad Junel Buenaventura, sa tabing ilog kinabukasan.

ARTHUR PANES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with