^

Probinsiya

Dalaw tiklo sa droga sa kanin

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Arestado ang isang lalaking dadalaw sa kaibigang nakapiit matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na tinangka niyang ipuslit sa dala niyang pagkain kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Reynaldo. Reyes, chief of police sa lungsod, ang suspek na si Jomar Albelar, 22-anyos.

Ayon sa ulat, nagtungo si Albelar sa himpilan ng pulisya na nakatayo sa Barangay 5 upang magdala ng pagkain sa isang alyas “Achi” na nakakulong sa loob ng police station.

Nang siyasatin ni P/Master Sgt. Hilda Fortunato ang dalang kanin ng suspek ay tumambad sa kanya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at dalawang pirasong aluminum foil na nakabaon sa kanin.

Itinanggi ni Albelar na kanya ang droga, at sinabing pinakiusapan lamang siya ng kanyang pinsang babae na dalhin ang nasabing pagkain sa loob ng istasyon.

Hindi rin niya umano alam na may laman palang droga ang tupper ware ng pagkain at hindi rin niya kilala ang lalaking nag-abot nito sa kanyang pinsan.

Gasgas na alibi naman ito, ayon sa pulisya kaya agad nilang inaresto ang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with