^

Probinsiya

2 tserman, 11 pa arestado sa sabong

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PRESENTACION, Camarines Sur, Philippines — Arestado ang 13 katao kabilang ang dalawang barangay chairman na ang isa ay umuupong konsehal ng bayan matapos maaktuhan habang nagsasagawa ng ilegal na sabong o tupada sa isinagawang pagsalakay ng mga pulis sa Brgy. Buenavista ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang dalawang opisyal na sina Brgy.Capt.Garwin Bares, residente at kapitan ng Brgy. Buenavista na umuupong konsehal ng bayan bilang kinatawan ng ABC o Association of Barangay Captains; Chairman Marvie Briones, residente at kapitan ng Brgy. Maangas, Presentacion, Camarines Sur.                                             

Nadakip din ang mga sabungerong sina Nestor Rubianes, 58; Romon Jani, 58; Angel Beronio, 62; Mario Obias, 40; Jesus Marcial, 49; Ronnel Fernandez, 47; Roger Pante, 51; Jesus Corre, 66; Jean Pabia, 35; Noel Cultivo, 26 at Mener Corre, 38; lahat sila residente ng mga bayan ng Presentacion, Lagonoy at San Jose ng naturang lalawigan.

Sa ulat, matapos na magpositibo ang ginawang surveillance na may malakihang nagaganap na sabong sa isang kubling lugar ng Brgy. Buenavista, Presentacion, Camarines Sur, dakong alas-11:30 ng umaga sa pa­ngunguna ni Police Capt. Antonino Florencio De Vera ay sorpresang sinalakay ng mga tauhan ng Presentacion Municipal Police Station ang naturang lugar.                           

Hindi na nakatakbo ang mga suspek matapos silang paligiran ng mga pulis at isa-isang inaresto.

Nabawi sa lugar ang pitong panabong na manok, isang tari, 7-libong pisong taya at ilan pang gamit sa iligal na sabong.

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with