^

Probinsiya

Delivery van hinoldap: Driver todas, 2 pa sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng isang delivery van habang sugatan ng dalawang pahinante nito makaraang pagbabarilin ng apat na holdaper at tinangay ang nasa mahigit P.5 milyon, kamakalawa sa Iloilo City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Gerry Paldas habang ginagamot sina Elbert Mardoquio, 40-anyos, at Jeriel Nalangan, 38.

Sa imbestigasyon ng Lambunao Police, dakong alas-3:45 ng hapon habang pabalik na sa kanilang opisina ang mga biktima matapos silang mag-deliver ng sigarilyo sa isang tindahan nang sila ay holdapin ng apat na armadong suspek.

Minamaneho umano ni Paldas ang truck ng Japan Tobacco International na naglalaman ng sigarilyong Mighty kasama ang dalawang naturang pahinante nang harangin umano sila ng mga suspek at pagbabarilin.

Mabilis na kinuha ng mga suspek ang bag na dala ng mga biktima na naglalaman ng perang tinatayang nasa P591,000.

Minalas na napuruhan ng bala si Paldas habang patuloy na ginagamot sa ospital ang dalawang kasama na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang dalawang basyo ng bala ng 12-gauge shotgun.

Nire-review na rin ng mga imbestigador ang dashcam upang matukoy ang mga suspek.

DELIVERY

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with