^

Probinsiya

Binigti at pinaso ng sigarilyo dalagitang biker natagpuang patay sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Binigti at pinaso ng sigarilyo dalagitang biker natagpuang patay sa Bulacan
Ang dalagitang biker na natagpuang patay sa madamong lugar sa by-pass road sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan kahapon.
Omar Padilla

BUSTOS, Bulacan, Philippines — Kinumpirma ng pulisya na positibong kinilala ng isang traffic enforcer kahapon na ang kanyang nawawalang 15-anyos na anak na babae ang natagpuang patay sa isang madamong lugar nitong Agosto 12 sa Brgy. Bonga Menor ng bayang ito.

Ayon kay P/Maj. Leopoldo Estorque Jr., hepe ng Bustos Police, natagpuan ang bangkay ni Princess Marie Dumantay dakong alas-9:00 ng umaga sa isang madamong lugar sa kahabaan ng Plaridel By-pass Road sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan.

Ayon sa salaysay ng ama ng biktima na si Rolando Dumantay, 62 anyos, traffic enforcer ng Navotas City at residente ng Blk 19, Lot 32, Graceville, San Jose del Monte City,  nagpaalam ang kanyang anak noong Miyerkules ng umaga na dadalawin lamang nito ang kaibigan, kaya hindi nito inakalang ‘yon na pala ang kanilang huling pagkikita.

Nakabisikleta umano ang biktima nang umalis sa kanilang bahay at nakasuot lamang ng puting t-shirt, boxer short at Nike shoes na itim.

Positibo namang kinilala ni Rolando ang anak dahil sa kanyang mga kasuotan nang matagpuang duguan habang nakasubsob ang mukha sa damuhan.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng sa ibang lugar pinatay ang dalagita at itinapon ang bangkay nito sa nasabing lugar upang iligaw ang imbestigasyon ng mga pulis.

Posible rin umanong pinahirapan ng mga sa­larin ang biktima bago pinatay dahil may mga palatandaan na sinakal ito at tadtad ng paso ng sigarilyo sa kanyang kanang braso.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang mabatid ang sanhi ng kamatayan nito at kung biktima rin siya ng panggagahasa. - Joy Cantos

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with