^

Probinsiya

Madugong ‘rido’ sa Cotabato napahupa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Madugong âridoâ sa Cotabato napahupa na
Nabatid na nagpadala ang PA ng isang contingent mula sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion upang payapain ang rido na naganap sa pagitan ng dalawang nag-aaway na Moro groups sa Sitio Galigayanan, Macabual village sa Pikit.
The STAR, File

MANILA, Philippines — Natigil ang madugong rido o clan war sa Pikit, Cotabato na kumitil na ng apat na buhay, matapos  pumagitna ang Philippine Army (PA) katuwang ang iba’t ibang law enforcement agencies at lokal na pamahalaan.

Nabatid na nagpadala ang PA ng isang contingent mula sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion upang payapain ang rido na naganap sa pagitan ng dalawang nag-aaway na Moro groups sa Sitio Galigayanan, Macabual village sa Pikit.

Nakipagtulungan din ang commanding officer ng 90IB, kasama ang local police, Pikit local government unit (LGU), municipal peace and order council at mga Moro elders, upang magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo at matigil na ang muli nilang pagsasagupa.

Matatandaang noong umaga ng Agosto 11, nagkaroon ng barilan sa Brgy. Macabual sa pagitan ng dalawang grupong kontrolado nina Bugdad Matalam Akas at Commander Walid Mamasamlang ng 108th Based Command. Sila ay pawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Force sa ilalim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa naturang engkuwentro, tatlo sa grupo ni Walid ang nasawi na nakilalang sina Ronie Dilanalan, Mama Dilanalan, at Makron Baguinda, pawang residente ng naturang barangay, habang namatay rin matapos na maipit sa palitan ng putok ang sibilyang si Lito Quiñones at nasugatan si alyas “Alinor” na kabilang sa grupo ni Bugdad at isang Ronald Mercado.

PA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with