^

Probinsiya

Big-time drug dealer sa Bulacan nalambat sa higit P3 milyong shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Big-time drug dealer sa Bulacan nalambat sa higit P3 milyong shabu
Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director ang naarestong suspek na si George Orquiola ng Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.
Pixabay

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Naaresto ang isa umanong big-time na tulak ng droga matapos makumpiskahan ng mahigit P.3-milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng awtoridad sa Brgy. Caingin,  Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director ang naarestong suspek na si George Orquiola ng Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek na sinasabing big-time drug dealer sa nasabing lugar.

Hindi na nagawang manlaban ng suspek nang makorner siya ng mga pulis sa harap ng palengke ng Bocaue.

Nasamsam sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000, shabu paraphernalia at buy-bust money.

CHARLIE CABRADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with