^

Probinsiya

P2.7 bilyong shabu samsam, 6 drug trafficker timbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P2.7 bilyong shabu samsam, 6 drug trafficker timbog!
Sa report na tinanggap ni PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Chinese drug trafficker na si Ke Wujia alyas “James Galopo”, 49, Chinese national; Johnbert Yagong, 22 ; pawang residente ng Agoo, La Union; Jenson Rey Yago at Ritchell Repuesto, 28-anyos; kapwa ng San Carlos City, Negros Occidental.
Artemio A. Dumlao

Buy-bust ops sa Pangasinan at La Union

MANILA, Philippines — Umiskor ang pinagsanib na elemento ng mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam sa may P2.72-bilyong ha­laga ng shabu habang anim na drug traffic­kers kabilang ang isang Chinese ang nasakote sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga lalawigan ng Pa­ngasinan at La Union nitong Biyernes.

Sa report na tinanggap ni PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Chinese drug trafficker na si Ke Wujia alyas “James Galopo”, 49, Chinese national; Johnbert Yagong, 22 ; pawang residente ng Agoo, La Union;  Jenson Rey Yago at Ritchell Repuesto, 28-anyos; kapwa ng San Carlos City, Negros Occidental.

Bandang alas-11:30 ng umaga nitong Biyernes nang isagawa ang unang buy-bust ope­ration ng pinagsanib na elemento ng PDEA-National Capital Region, Pangasinan Police Task Force Noah, Team Navy, ision (RID) Regional Intelligence Division at iba pang mga units ng pulisya sa Blue Hour, Torquiose Street, Sunshine Village, Pozzurubio, Pangasinan.

Sa nasabing operas­yon, nakumpiska ang humigit kumulang sa 360 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.448 bilyon, 2 cellphone, isang analogue phone, sari-saring identification cards at mga dokumento.

Ang nakumpiskang bulto-bultong shabu ay naka-pack sa tea bag.

“I highly commend the joint efforts of our operatives for another significant accomplishment. We will ensure the PNP’s intensified campaign against illegal drugs and we will never stop until the perpetrators will be put behind bars,” pahayag ni Col. Richmond Tadina, acting director ng Pangasinan Police.

Sa isinagawa namang follow-up ope­ration sa Ilang-Ilang Street, Brgy. Poro, San Fernando City, La Union dakong alas-12:45 ng tanghali, sumunod na nasakote ang 38-anyos na si Romel Leyese ng Bagong Silangan, Quezon City at John Paul Repuesto ng San Carlos City, Negros Occidental na nakumpiskahan ng 40 pang kilo ng shabu.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang mga cellular phones, mga IDs at dokumentong pinansyal.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with