^

Probinsiya

24 drug dealer nalambat, P743K droga samsam

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
24 drug dealer nalambat, P743K droga samsam
Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director, unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Norzagaray Police, City of San Jose del Monte Police at Special Operations Unit 3-PDEG ang walong tulak na sina Kristine Guerina, Richard Pineda, Joven Bugarin, Leon Bello, Romnick Isidro at Jorge Lopez sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan dakong alas-3:00 ng madaling araw sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska sa kanila ang may 80-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000.
STAR/File

Serye ng drug ops sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawampu’t apat na hinihinalang drug dealers ang dinakip ng mga awtoridad matapos silang mahulihan ng may P743,000 na halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga ahente ng Bulacan PNP at 24 na drug dealers ang naaresto sa magkakahiwalay na drug operations sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director, unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Norzagaray Police, City of San Jose del Monte Police at Special Operations Unit 3-PDEG ang walong tulak na sina Kristine Guerina, Richard Pineda, Joven Bugarin, Leon Bello, Romnick Isidro at Jorge Lopez sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan dakong alas-3:00 ng madaling araw sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska sa kanila ang may 80-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000.

Dakong alas-4:00 naman ng madaling araw sa Brgy. Sapang Palay, CSJDM nang maaresto ang mga drug suspect na sina Allan Sabino at Alice Cooper Kenniker matapos makumpiska sa kanila ang may 15-gramo ng shabu na nasa P102,000 ang halaga.

Samantala, nasa P97,308.00 na halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng pulisya ng Malolos City, Bocaue at Hagonoy sa 13 pang umano’y tulak na nakilalang sina Carlo Turco at Jeffrey Velarde ng Malolos; Jerald Khen Bonales, Anthony Tabasa at Oliver Poliedo ng Norzagaray; Christian Gabrielle at John Angelo De Castro ng CSJDM; Charmaine Gonzales at Mark Ian San Gabriel ng Bocaue; Angelo Bernabe, Ulit Balbada, Reynaldo Pacheco Jr., at Diosdado Nopal Jr. ng Hagonoy, Bulacan.

Naaresto rin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga bayan ng Pandi, Baliwag at Obando ang tatlo pang hinihinalang tulak na sina Rufini Feliciano, Arsenio Sortiz at Jayferson Joseph.

May 10 plastic sachet ng shabu at buy-bust money ang nakumpiska sa kanila ng mga awtoridad.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with