^

Probinsiya

P16 kada kilo ng bigas nabibili na sa Zambales  

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
P16 kada kilo ng bigas nabibili na sa Zambales   
File photo shows different types of rice displayed on shelves.
The STAR / Michael Varcas, File

ZAMBALES, Philippines —  Nakakabili na ang mga mahihirap na residente sa bayan ng Botolan ng lalawigang ito ng halagang P16 kada kilong bigas o P100 naman sa bawat 6-kilo.

Nabatid na patok ngayon ang murang bigas na mabibili rin sa halagang P100 sa kada 6-kilo, sa ilalim ng Rice Subsidy Program ng lokal na pamahalaan ng Botolan.

Ang naturang programa ay inilunsad ni Botolan Mayor Jun Ebdane bilang tulong ng pamalahaang bayan sa kanilang mga mahihirap na residente.

Matatandaan na una nang ipinatupad ang rice subsidy program ni da­ting Mayor Bing Maniquiz na ngayon ay kongresista na ng ikalawang distrito ng Zambales na nagkakahalaga naman ng P20 kada kilong bigas o hanggang 5 kilo sa halagang P100.

Ang naturang programa ay ipinagpatuloy ni Mayor Ebdane na mas binabaan pa nito para makatulong sa kanyang mga nasasakupan at mabawasan na rin ang pasanin ng mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

Mabibili ang mga murang bigas sa pamamagitan ng pagpunta ng LGU sa lahat ng barangay ng Botolan alinsunod sa kanilang itinakdang schedule.

BOTOLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user