^

Probinsiya

2 lalaking ‘adik’ sinalvage sa Antipolo City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaking �adik� sinalvage sa Antipolo City
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakaki­lanlan ng mga biktima na nangangamoy nang madiskubre.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinihinalang biktima ng salvage ang dalawang hindi kilalang lalaki na natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakaki­lanlan ng mga biktima na nangangamoy nang madiskubre.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ng isang concerned citizen ang mga bangkay sa gilid ng Porque Road, sa Brgy. San Luis, Antipolo City.

Napadaan lang umano ang babaeng testigo sa lugar nang malanghap ang masangsang na amoy at nang alamin kung saan nagmumula ang masangsang na amoy ay dito na niya nadiskubre ang magkatabing bangkay ng dalawang lalaki.

Nakatali umano ang mga kamay ng mga ito sa kanilang mga likod, gamit ang packing tape at ang kanilang mga mukha ay nakabalot ng plastik.

May nakalagay rin umanong mga plakard sa ibabaw ng mga bangkay na may nakasulat na mga katagang, “Adik, Akyat Bahay, Wag Tularan.”

Masusi nang iniim­bestigahan ng mga otoridad ang krimen upang matukoy kung sino ang may kagagawan nito, gayundin ang kanilang motibo sa likod nang pagpatay.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with