Obrero hinataw ng martilyo sa ulo, dedo

Agad nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Jojit Goño Soriano,47-anyos,may-asawa at residente ng naturang barangay.
STAR/File

MONREAL, Masbate, Philippines — Nabasag ang bungo ng isang construction worker matapos na ilang beses hatawin ng martilyo sa ulo ng kanyang amain makaraang magtalo sa Purok-2,Brgy.Guinhadap ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo ang biktimang si Jojit Goño Soriano,47-anyos,may-asawa at residente ng naturang barangay.

Arestado naman ang 72-anyos na suspek na si Francisco Miralles Rejuso, mangingisda.

Sa ulat,ala-1:00 ng hapon sa hindi pa malamang dahilan ay nagtalo ang lasing na biktima at kanyang amain.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng martilyo ang suspek at ilang beses hinataw sa ulo ang biktima na agarang nasawi.

Show comments