^

Probinsiya

'Hindi kita kinakahiya, Pa': SHS graduate proud daughter ng isang backhoe operator

Philstar.com
'Hindi kita kinakahiya, Pa': SHS graduate proud daughter ng isang backhoe operator
Guillerma Idias at ang kanyang ama na si Florentino.
Facebook/CDN Digital

MANILA, Philippines — Viral ngayon sa social media ang post ng isang Cebuana na nagtapos ng senior high school kung saan makikita ang nakakaantig na litrato nila ng kanyang ama.

Sa Facebook post ni Guillerma Idias mula Manlapay, Dalaguete ng naturang probinsya, makikita ang litrato nila ng kanyang ama na si Florentino, isang backhoe operator, na siyang dumalo sa graduation ceremony ng kanyang anak.

Makikita sa kuha na nakasuot ng toga si Guillerma samantalang basang-basa naman ng pawis si Florentino na nakapostura nang payak.

Kwento niya, tumangging magpa-picture ang kanyang ama dahil sa itsura nito.

"Sabi ko kay papa, 'Picture tayong dalawa.' Tas sabi ni papa, 'Wag na lang kasi hindi ako nakapagbihis, ang dumi at ang basa ko pa,' pero sabi ko, "[e]h ano [k]ung madumi ang damit at basa na, wala akong pake hindi kita kinakahiya bahala kahit hindi ka pa nakapagbihis,” caption ng dalaga sa naturang post.

Aniya, mapagpasalamat siya sa kanyang ama dahil nakapunta ito sa kanyang graduation kahit na galing ito sa trabaho.

"Thankful ako na nandito ka sa graduation ko, kahit na pagod ka galing sa trabaho, dumeretso ka talaga sa graduation ko, kahit na basa ka pa, Pa." ani Guillerma.

"I love you papa,” pagtatapos niya.

Dahil sa naturang heartwarming post, maraming netizen ang natuwa at nag-abot ng pagbati kay Guiilerma at sa kanyang ama. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

SENIOR HIGH SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with